^

Probinsiya

Hagupit ng bagyong Vicky: 2 patay, 1 sugatan

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Hagupit ng bagyong Vicky: 2 patay, 1 sugatan
Kinilala ang mga nasawi na sina Evelina Laraño, 67-anyos at Juvilinda Milana, 62-anyos , nalibing ng buhay matapos na matabunan ng landslide dulot ng malalakas na pag-ulan ang kanilang tahanan sa Brgy. Cuatro de Agosto, Mahaplag, Leyte nitong Sabado ng mada­ling araw. Isang 14-anyos na binatilyo ang nasugatan sa nangyaring landslide.
Freeman/File

Nagdulot ng baha at landslide sa Visayas, Mindanao

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi at isa ang nasugatan sa lalawigan ng Leyte habang nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang bagyong Vicky, ayon sa report kahapon.

Kinilala ang mga nasawi  na sina Evelina Laraño, 67-anyos at Juvilinda Milana, 62-anyos , nalibing ng buhay matapos na matabunan ng landslide dulot ng malalakas na pag-ulan ang kanilang tahanan sa Brgy. Cuatro de Agosto, Mahaplag, Leyte nitong Sabado ng mada­ling araw. Isang 14-anyos na binatilyo ang nasugatan sa nangyaring landslide.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) mula sa CARAGA Region, Region XII at Region 8, kabilang sa mga naapektuhan ng landslides at mga pagbaha ay ang lalawigan ng Leyte, Cebu, Agusan del Sur at Davao de Oro.

Nasira ng landslide ang highway na nag-uugnay sa Mahaplag patungong Baybay City at Sogod, Southern Leyte na hindi madaanan ng mga behikulo.

Dahil sa pananalasa ng bagyo, itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No.1 ang apat na lugar sa Luzon kahapon.

Batay sa 11:00 a.m. severe weather bulletin na inilabas ng PAGASA nitong Sabado, bunsod ng patuloy na paggalaw ng bagyong Vicky patungong Palawan ay isinailalim na sa TCWS No. 1 ang northern at central portions ng Palawan (Araceli, Dumaran, Taytay, El Nido, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa City, Aborlan, Narra, Quezon, Sofronio Espanola) kabilang ang Calamian, Cuyo, Caga­yancillo at Kalayaan Islands.

Huling naispatan si Vicky, may 220 kilometro sa silangan-timog silangan ng Puerto Princesa City, Palawan. May dala itong maximum sustained winds na 45 kilometers per hour (kph)  malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na hanggang 55 kph.

Inaasahan na lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) si Vicky ngayong Linggo ng hapon o gabi.

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with