^

Probinsiya

Misis na naghabla ng cyber libel vs kapitbahay, itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Misis na naghabla ng cyber libel vs kapitbahay, itinumba
Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, ang biktima na si Susan Acuna alyas “Blessie”, 53, may asawa at residente ng Purok Sariling Atin ng nasabing barangay.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa likurang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ng isang misis na naghabla laban sa kapitbahay makaraang pagbabarilin ng motorcycle riding criminals sa satellite market ng Barangay Gulang-gulang, dito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, ang biktima na si Susan Acuna alyas “Blessie”, 53, may asawa at residente ng Purok Sariling Atin ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng umaga habang naglalakad sa loob ng satellite market ang biktima upang mamalengke nang buntutan ng isang hindi kilalang lalaki na ayon sa mga saksi ay nakasuot ng kulay pu­ting polo shirt, pantalong maong at bull cap.

Nang makakuha umano ng tiyempo ay binunot ng suspek ang isang baril mula sa beywang at dalawang beses na pinaputukan ang biktima saka sumakay ang suspek sa isang motorsiklo na minamaneho ng kasamahan nitong nagsilbing lookout saka pinasibad patungo sa direksyon ng diversion road.

Isa sa tinitingnang anggulo ng pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktima ay ang isinampa nitong kasong cyber crime libel laban sa kapitbahay na babae noong Hunyo 11, 2019.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with