^

Probinsiya

Driver pinabulagta ng tandem, 12-anyos pamangkin sugatan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 48-anyos na jeepney drayber makaraang barilin sa ulo ng dalawang nakamotorsiklong lalaki habang nakaupo sa kanyang pinapasadang XLT jeepney at nahagip din ng bala ang kanyang 12-anyos na pamangkin sa Brgy. Ilog, San Alejandro ng bayang ito, noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay P/Captain Melchor Pereja, hepe ng pulisya rito, nasawi si Ernel Baril, 48, may-asawa, residente ng nasabing barangay, matapos barilin sa kanyang ulo ng hindi pa kilalang salarin.

Sugatan naman ang isang Grade 6 pupil nang tumagos ang bala mula sa ulo ng kanyang tiyuhin at tumama sa itaas na bahagi ng kanyang leeg.

Nabatid na bandang alas-8:30 ng umaga habang naghihintay sa driver’s seat ng naturang jeep nito ang biktima ay biglang may humintong motorsiklo na sakay ang dalawang hindi pa kilalang suspek at tinapatan ang biktima. Biglang naglabas ng baril ang isa sa dalawang suspek at itinapat sa ulo ng biktima at pinaputukan.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng wala umanong plaka na kulay itim na Kawasaki Bajaj. Isinugod ang magtiyuhin sa Sto. Domingo District Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival ang matandang Baril habang inilipat sa Dr. Paulo J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City ang batang biktima, na ayon sa mga doktor ay bumubuti na ang lagay.

vuukle comment

DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with