^

Probinsiya

Pulis itinumba sa beauty shop

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Pulis itinumba sa beauty shop
Kinilala ni Police Lt. Col. Barnard Dannie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si P/Staff Sgt. Mark Levy Palilio, may-asawa ng Brgy. Daan Sarile, Cabanatuan City at nakadestino sa San Leonardo Municipal Police Station. Siya ay nagtamo ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng kanyang pagkamatay sa Good Samaritan Medical Center.
STAR/File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang 31-anyos na kagawad ng pulisya makaraang pagbaba­rilin ng isang berdugo sa harap ng kanyang shop na nagbebenta ng beauty products sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Sangitan West ng lungsod na ito, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Lt. Col. Barnard Dannie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si P/Staff Sgt. Mark Levy Palilio, may-asawa ng Brgy. Daan Sarile, Cabanatuan City at nakadestino sa San Leonardo Municipal Police Station. Siya ay nagtamo ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng kanyang pagkamatay sa Good Samaritan Medical Center.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 ng umaga, kabababa lang umano ng biktima sa kanyang sasakyan sa harap ng kanyang beauty shop nang biglang dumating ang isang nakamotorsiklong lalaki na nakasuot ng itim na jacket at pulang helmet at bigla siyang pinagbabaril saka tumakas.

Iniutos na ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Brig. Gen. Valeriano de Leon ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at paglutas sa kaso ng pagpatay sa nasabing pulis.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with