Sarangani nilindol ng 6.2 magnitude
MAGUINDANAO, Philippines — Muli na namang niyanig ang malaking bahagi ng Mindanao matapos na tumama ang 6.2 magnitude na lindol sa Alebel, Sarangani kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay naitala alas-7:21 ng umaga at ang sentro ng lindol ay nasa may 86 kilometro ng timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental. Umaabot sa 16km ang lalim ng lupa ng naturang lindol.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa General Santos City, South Cotabato; Intensity 4 sa Kiamba, Alabel, Maasim, Glan, Malungon at Malapatan, Saranggani; Lebak, Sultan Kudarat; Datu Blah Sinsuat, Maguindanao; Koronadal City, Polomolok, Tampakan at Tupi, South Cotabato.
Intensity 3 naman sa Maitum, Sarangani; Cotabato City, Maguindanao; Davao City; Kidapawan City, North Cotabato; Tantangan at Santo Niño, South Cotabato; Intensity II sa Columbio, Sultan Kudarat; Tacurong City, Sultan Kudarat; Magpet, North Cotabato at Intensity I sa Zamboanga City.
Ayon sa Phivolcs, patuloy na makakaranas ng aftershocks dahil sa lindol. — Rhoderick Beñez
- Latest