^

Probinsiya

Lupa sa ginagawang hotel gumuho: 2 patay, 2 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Parehong patay na nang mahukay ng rumespondeng search and rescue ng Legazpi City Emergency Response Team at mga pulis ang dalawang cons­truction worker na nalibing nang buhay habang dalawa pa ang sugatan makaraang gumuho ang lupa sa job site ng ginagawang hotel sa Purok-5, Brgy. Pinaric ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Umabot ng mahigit isang oras ang ginawang paghuhukay bago natagpuan ang mga bangkay ng biktimang sina Allan Madrona Andes ng Brgy. Pinaric at Rolin Bagalay ng Brgy. Puro, pawang sa Legazpi City at kawani ng El Acebuchi Builders ELAB.

Isinugod naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga sugatang steelman na sina Ariel Lola Marcelo ng Brgy. Poctol, Pilar, Sorsogon at Marvin Balmediano, ng Brgy. Taysan.

Sa ulat, dakong alas-2:50 ng hapon habang nagtatrabaho ang dalawa malapit sa ginagawang gusali nang biglang gumuho ang mataas na bahagi ng lupa dahilan para matabunan ang mga biktima.

Agad na nakahingi ng saklolo ang mga kasamahang obrero at tulung-tulong na hinukay ang lupa na tumabon sa mga biktima. Bandang alas-3:57 ng hapon na nang unang mahukay si Andes habang alas-4:15 ng hapon nang marekober ang katawan ni Bagalay. Nasagip naman ang dalawa nilang kasamahan.

vuukle comment

TRAINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with