^

Probinsiya

Libreng dredging sa Cagayan River, kasado na

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Libreng dredging sa Cagayan River, kasado na
Pinangunahan ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region-02 ang pagpirma ng MOA para sa Cagayan River Restoration Project sa panig ng pamahalaan habang kumatawan sa paglalagda sina Mana­ging Head Antonio Talaue ng kumpanyang Great River North Consortium at President Feng Li ng Riverfront Construction Incorporated.
Philippine Coast Guard/Released

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Inaasahang maisasagawa na anumang araw ang libreng rehabilitation  o dredging sa Cagayan River matapos lagdaan ang me­morandum of agreement (MOA) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at dalawang dredging companies na mamamahala sa paghuhukay.

Pinangunahan ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR Region-02 ang pagpirma ng MOA para sa Cagayan River Restoration Project sa panig ng pamahalaan habang kumatawan sa paglalagda sina Mana­ging Head Antonio Talaue ng kumpanyang Great River North Consortium at President Feng Li ng Riverfront Construction Incorporated.

Ayon kay Bambalan, inaprubahan ng Inter-Agency Committee (IAC) ang River Dred­ging Plan (RDP) na may sukat na 30.8 kilometers mula sa pinaka-bukana ng Cagayan River sa bayan ng Aparri hanggang sa bayan ng Lal-lo pataas sa bayan ng Alcala bilang River Dred­ging Zone.

Ayon naman kay Gov. Manuel Mamba, pangulo ng IAC, isasagawa ng Great River North Consortium at Riverfront Construction Inc. ang  river restoration na walang gastos ang pamahalaan kung kaya’t malaking tulong ito para maiayos ang daluyan ng tubig sa Cagayan River, ang tinaguriang pinakamalaking ilog ng Pilipinas.

Matatandaan na nitong bagyong Ulysses, lumubog ang halos lahat ng bayan sa Cagayan kung saan umabot sa 12 ang nasawi, halos kalahating milyong tao ang apektado at bilyong halaga ng mga pananim at ari-arian ang nawasak.

Ang Cagayan River na kilala ring “Rio Grande de Cagayan” ang daluyan ng nasa 20 na ilog mula sa mga lalawigan ng Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, Kalinga, Mt. Pro­vince at Apayao, kung kaya’t dito naiipon lahat ng mga tubig lalo sa panahon ng tag-ulan.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with