^

Probinsiya

Van sumalpok sa nakaparadang trak, pasahero patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 52-anyos na mister makaraang bumangga ang kaniyang sinasakyang van sa nakaparadang dump truck sa gilid ng highway na sakop ng Barangay Ibabang Dupay, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo ay kinilalang si Serafin Salome, 52, ng Barangay Dalahican.

Ayon sa ulat na tinanggap ni PLt.Col.Romulo Albacea, chief of police dito, nakasakay ang biktima sa unahan ng Toyota Grandia na minamaneho ng pamangking si Loid Catud at binabagtas ang kalye patungo sa direksyon ng Pagbilao,Quezon.

Habang binubuntutan umano ng van ang isang trak dakong alas-11:15 ng umaga ay nabulaga ito sa nakaparadang dump truck sa gilid ng kalye na minamaneho ni Roman Ortiga ng Gumaca,Quezon.

Pinilit ni Catud na magpreno,subalit sumalpok din ito sa dump truck na nagresulta upang humampas ng malakas ang ulo ni Salome sa windshield ng sinasakyang van.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with