^

Probinsiya

Kagawad na ‘LGBT’ binurdahan ng saksak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Kagawad na �LGBT� binurdahan ng saksak
Ayon kay Captain Roger Balina-oay Jr., hepe ng Sta. Cruz, Police Station; dakong alas-2:45 ng umaga nang mabulabog at magtitili sa paghingi ng saklolo ang pamangkin ng biktimang si Kagawad Rodel Raguindin matapos na makitang inatake ng saksak ang tiyuhin ng hindi tinukoy na salarin sa labas ng kanilang bahay.
STAR/File

May nakaalitang bebot sa FB

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasa bingit ng kamatayan ang isang 49-anyos na barangay kagawad na umano’y miyembro ng LGBT matapos burdahan ng saksak ng nakainuman sa kanyang teritoryo sa Brgy. Casilagan, Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon kay Captain Roger Balina-oay Jr., hepe ng Sta. Cruz, Police Station; dakong alas-2:45 ng umaga nang mabulabog at magtitili sa paghingi ng saklolo ang pamangkin ng biktimang si Kagawad Rodel Raguindin matapos na makitang inatake ng saksak ang tiyuhin ng hindi tinukoy na salarin sa labas ng kanilang bahay.

Agad itinakbo ng mga kaanak si Raguindin na nagtamo ng mga saksak sa katawan sa Sta. Lucia District Hospital subalit kalaunan ay inilipat sa Candon City General Hospital dahil sa maselan niyang kalagayan.

Ayon kay Balina-oay, sumuko sa kanya ang suspek subalit hiniling sa PSN na huwag munang pangalanan habang inihahanda ang kasong ihahain laban dito. Aniya, nakasabay ni Raguindin sa laklakan sa dinaluhang birthday party ang suspek na umamin sa krimen.

Nabatid na lingid kay Raguindin na ang salarin na umano’y isa ring LGBT, ay utol ng nakaalitan nitong babae sa Facebook.

Ayon sa suspek, nagalit siya sa ginawang pag-iingay ni Raguindin sa okasyon laban sa kanyang utol kaya niya ito sinundan sa pag-uwi saka sinalakay ng saksak.

vuukle comment

KAGAWAD

LGBT

SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with