^

Probinsiya

Lungsod sa Bulacan idineklarang ‘highly-urbanized’

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Lungsod sa Bulacan idineklarang �highly-urbanized�
Sa ilalim ng Proclamation No. 1057 ng Pa­ngulo­, nakasaad na base sa Section 453 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, maaari nang iproklama ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na highly-urbanized city ang isang lungsod sa loob ng 30-araw matapos nitong makamit ang minimum population na 200,000 na sertipikado ng Philippine Statistics Authority (PSA) at income na P50 milyon na pinatotohanan naman ng City Treasurer.
The STAR/Joven Cagande/File

Sa nilagdaang proklamasyon ni Duterte

BULACAN , Philippines — Pormal­ nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “highly-urbanized” o isang maunlad na lungsod sa bansa ang San Jose Del Monte City (SJDM).

Ito ang magandang ibinalita ni Rep. Florida “Rida” Robes matapos pasinaya­han ang City of San Jose Del Monte Convention Center (CSJDM) sa Brgy. Sapang Palay, alinsunod na rin sa Proclamation No. 1057 na nagdedeklara sa SJDM bilang highly-urbanized city.

Dagdag pa ni Robes, kailangan na lamang na dumaan sa ratification ng kanyang mga kababayan ang proklamasyon ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng isang plebesito.

“I am very honored to announce that President Rodrigo Duterte has declared our beloved city a highly-urbanized city. We have long waited for this and we will work more to make us truly deserving of this proclamation for the people of San Jose Del Monte,” pahayag ni Robes.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1057 ng Pa­ngulo­, nakasaad na base sa Section 453 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, maaari nang iproklama ng Pangulo na highly-urbanized city ang isang lungsod sa loob ng 30-araw matapos nitong makamit ang minimum population na 200,000 na sertipikado ng Philippine Statistics Authority (PSA) at income na P50 milyon na pinatotohanan naman ng City Treasurer.

Pinangunahan ni Rep. Robes at kanyang kabiyak na si Mayor Arthur Robes ang pagpapasinaya sa kauna-unahang convention center sa lungsod na bahagi ng Build, Build, Build program ng Duterte administration. Mayroon itong kapasidad na 1,300 katao sa main ballroom, dalawang malalaking function room at apat na conference room. Inaasahang makakaakit aniya ito sa mga negosyante at mga investor na lilikha ng mara­ming trabaho.

vuukle comment

URBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with