^

Probinsiya

Miyembro ng coastguard lasog sa trak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng coastguard lasog sa trak
Ang nasawi noon din ay nakilalang si PO3rd Dennis Perez, 36, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Baao.
Philstar.com/File

NABUA,Camarines Sur, Philippines —-Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang miyembro ng Philippine Coastguard nang masagasaan ng isang 10 wheeler truck matapos sumemplang sa kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika National Highway,Brgy.Paloyon Proper sa bayang ito kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi noon din ay nakilalang si PO3rd Dennis Perez, 36, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Baao.

Tumakas naman ang driver ng nakabanggang trak patungo sa direksyon ng Legazpi City, Albay.

Sa salaysay sa pulisya ng nakasaksing gasoline boy na si Paul Tyrone Tino, alas-3:00 madaling araw ay nakita niya ang biktima na minamaneho ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang madilim na bahagi ng highway patu­ngong Ligao City nang mawalan ng kontrol at sumemplang sa kalsada.

Habang sinusubukan tumayo ng biktima ay siya namang pagdating ng trak at nasagasaan ito.

Sa halip na huminto ang driver at saklolohan ang biktima ay mabilis na pinaharurot nito ang kanyang trak.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with