Arabo na miyembro ng ISIS, tiklo
BALABARAN,Cotabato City, Philippines — Isang Saudi national na umano ay miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang inaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ng tanghali sa Sitio Bubong,Barangay Datu ng nasabing bayan at lalawigan.
Kinilala ni PNP-BARMM Regional Director Brig. Gen. Samuel Rodriguez ang suspek na si Adel Sulaiman Alsuhibani, tinatayang 60 taong gulang.
Batay sa ulat,tinungo ng mga otoridad na may bitbit ng search warrant na ipinalabas ni Judge Allan Edwin Boncavil RTC-12 Branch 19 sa Isulan, Sultan Kudarat laban kay Alsuhibani at nasamsam sa bahay nito ang isang laptop, flashdrive, passport, bomb components at maraming mga IDs.
Nakuha sa bahay ng suspect ang isang laptop, flashdrive, passport, bomb components at maraming mga IDs.
Inimbita rin ng PNP ang asawa ng suspect na nakilalang si Norhaya.
- Latest