^

Probinsiya

P1 bilyong utang ‘di nabayaran, STL sa Cagayan pinatigil

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P1 bilyong utang �di nabayaran, STL sa Cagayan pinatigil
Sa kopya ng sulat na nakuha ng PSN/PM mula sa PCSO na may petsang Oktubre 21, 2020, sinabi ni General Manager Royina Marzan Garma na sa kasalukuyan ay walang Authorized Agent Corporation (AAC) ang PCSO para magsagawa ng operasyon ng STL sa nasabing lalawigan.
Michael Varcas, file

SANTIAGO CITY, ­Isabela – Sa kabila ng kawalan ng “permit” mula sa Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) ng isang kum­panya matapos itong ma-terminate dahil sa hindi nabayarang mahigit P1-bilyong obligasyon sa gob­yerno, patuloy pa rin ang operasyon ng small town lottery (STL) sa lalawigan ng Cagayan.

Sa kopya ng sulat na nakuha ng PSN/PM mula sa PCSO na may petsang Oktubre 21, 2020, sinabi ni General Manager Royina Marzan Garma na sa kasalukuyan ay walang Authorized Agent Corporation (AAC) ang PCSO para magsagawa ng operasyon ng STL sa nasabing lalawigan.

Iginiit ni Garma na ang ginagawang operasyon ng Charity Games of Chance Corporation (CGCC) ay walang basbas ng PCSO matapos ma-terminate ang kanilang lisensya dahil sa hindi nabayarang higit P1-bilyong utang sa pamahalaan.

“The CGCC’s autho­rity to operate Small Town Lottery (STL) was terminated by reason of its non-payment of monetary obligations amounting to P1,035,133,520.25 and following the expiration of their Agency Agreement to operate STL with PCSO,” nakasaad sa sulat ni Garma sa pamunuan ng pulisya.

Ayon pa kay Garma, ­unang nagpadala ang PCSO ng “notice of termination” sa CGCC noong Setyembre 27, 2018 at ang ikalawang notice ay nitong Setyembre 18, 2020 na nagpapahinto sa operasyon ng STL. Ayon sa source, patuloy at hindi natigil ang operasyon ng STL sa buong lalawigan sa kabila ng notice na galing sa pamunuan mismo ng PCSO.

vuukle comment

STL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with