Magdyowa tiklo sa buy-bust
ANGELES CITY, Philippines — Posibleng sa kulungan na magselebra ng Pasko ang isang mag-live in partner matapos na maaresto nang masamsaman ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Tabun, dito kahapon ng madaling araw.
Sa ulat sa tanggapan ni Angeles City Drug Enforcement Unit commander P/Capt. Alfred Andal, kinilala ang mga suspek na sina Ralph Andrei Bernedo alias “Rocky”, 29 at kinakasamang si Marissalyn Mendoza, 25; kapwa ng South Daang Bakal, Dau, Mabalacat City. Sila ay kinasuhan nang paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasamsam sa dalawa ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value P102,000, mga drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buy-bust.
- Latest