^

Probinsiya

Motor vs SUV: 1 dedo, 2 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang dalawang ang sugatan nang salpukin ng isang SUV na gov’t vehicle ang isang motorsiklo sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Naomie Etol Magallanes, 35, ng Brgy. Barra, Dipolog City habang nilalapatan ng lunas sa Corazon C. Aquino Hospital ang mga sugatan na sina Giovani Estorgio Credo, 35, driver; at Susan Sabuero Etol, 40, kapwa taga-Brgy. Barra, Dipolog City.

Samantala, sumuko naman ang driver ng SUV na si Renante Lauc Laquio, 44, empleyado ng CDRRMO, ng Brgy. Punta, Dipolog City duty.

Ayon sa ulat, 11:10 ng gabi habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na minamameho ni Credo at binabagtas ang kahabaan ng Gen. Luna St, Brgy, Central patungo sa south nang pagsapit nila sa intersection ay biglang sumulpot at sinalpok sila ng isang kulay gray na SUV Ford Ranger na patungong Dipolog City Hall at minamaneho ni Laquio sakay si Ma. Theresa Irene Nalzaro, 27, ng Brgy. Sicayab, Dipolog City.

vuukle comment

AKSIDENTE

MOTORCYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with