^

Probinsiya

Mayor Soriano, itinanggi ang signature campaign vs MECQ sa Tuguegarao City

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Mayor Soriano, itinanggi ang signature campaign vs MECQ sa Tuguegarao City
Sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na marahil, inisyatibo ng mga sektor sa lungsod ang hakbang dahil sa nararanasang kahirapan at pagkalugi ng negosyo dulot ng sunud-sunod na lockdown.
Google map

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Itinanggi ni Mayor Jefferson Soriano ang nagaganap na signature campaign sa pagtututol ng ipinatutupad na 30-araw na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa kanyang teritoryo kahapon.

Sinabi ni Soriano na marahil, inisyatibo ng mga sektor sa lungsod ang hakbang dahil sa nararanasang kahirapan at pagkalugi ng negosyo dulot ng sunud-sunod na lockdown.

Ayon kay Soriano ma­tinding depresyon na ang nararanasan ng mga namumuhunan lalo at mata­taon sa Kapaskuhan at Bagong Taon ang lockdown na nais ipatupad ni Cagayan Gov. Manuel Mamba.

Gayunman hindi sumagi sa kanyang isipan na isagawa ang mangalap ng pirma gayong kasalukuyan nilang ginagawa ang position paper sa pagpapaliban ng MECQ na inaasahang maisusumite sa RIATF.

Naunang nagpahayag ng pagkabahala si Gobernador Mamba sa nangyayaring paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Tugue­garao na nakapagtala na ng 107 aktibong kaso.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with