^

Probinsiya

Ikatlong MECQ sa Tuguegarao, tinutulan ng mayor

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Ikatlong MECQ sa Tuguegarao, tinutulan ng mayor
Sinabi ni City Mayor Jefferson Soriano na tutol siya sa deklarasyon ng MECQ ni Mamba dahil lubos na nasasaktan na ang mga negosyante sa nangyayaring lockdown lalo’t natapat pa sa kapaskuhan at bagong taon ang panukalang MECQ.
Edd Gumban

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Sinalungat ng alkalde dito ang deklarasyon na 30-days modified enhanced community quarantine (MECQ) ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa kabila ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sinabi ni City Mayor Jefferson Soriano na tutol siya sa deklarasyon ng MECQ ni Mamba dahil lubos na nasasaktan na ang mga negosyante sa nangyayaring lockdown lalo’t natapat pa sa kapaskuhan at bagong taon ang panukalang MECQ.

Sakaling payagan ng RIATF ang kautusan ni Mamba, magiging ikatlong MECQ na ang ipatutupad sa lungsod na ang una ay noong Agosto na sinundan ng Oktubre.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 32 noong Biyernes, sinabi ng gobernador na ikinabahala niya ang kalagayan ng Tuguegarao na nakapagtala ng hindi bababa sa 10 kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang limang araw.

Noong Huwebes, ipinasara ni Soriano ang City Hall na tatagal hanggang Dis­yem­bre 8 para sa disinfection, nang magpositibo ang pitong kawani nito mula sa 611 na sumailalim sa swab testing.

Sinabi naman sa PSN ni DILG Regional Dir. Jonathan Paul Leusen na pagdedebatehan pa nila sa inuupuan niyang RIATF ang panukalang MECQ ni Mamba bago nila aprubahan ang deklaras­yon nito.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with