P292 milyong road projects sinimulan na sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sinimulan na ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga serye ng road infrastructure projects sa dalawang distrito sa lalawigang ito makaraang maipalabas na ang mahigit P292 milyong pondo para rito galing sa national government sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2020.
Ayon kay District Engineer Henry Alcantara, hepe ng DPWH-1st District Engineering Office, 11 road infrastructure projects ang nakalinya na gagawin sa mga pangunahing kalsada sa kanyang nasasakupan.
Ang mabibiyayaan aniya sa nasabing mga proyekto ay ang una at ikalawang distrito ng Bulacan na may kabuuang P292.163 milyong pondo. Kabilang na rito ang rehabilitasyon, rekonstruksyon, asset preservation, preventive maintenance, upgrading of damaged pave roads -- primary roads, secondary roads, tertiary roads at rehabilitation of drainage canal sa mga kalsada partikular na sa Manila North Road o dating Mac Arthur Highway at sa Daang Maharlika Highway na dating DRT Highway.
- Latest