^

Probinsiya

Mag-amang ex-mayor kinasuhan ng 10 graft

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-amang ex-mayor kinasuhan ng 10 graft
Sa magkakahiwalay na reklamo ng MMLK laban kina dating Mariveles Mayors Jesse Concepcion at anak na si Ace Jello (AJ), lumabag umano ang dalawa sa RA 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at R.A 9184 o “Government Procurement Reform Act,” gayundin ang Malversation of Public Funds at Usurpation of Authority.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinampahan ng Mamamayan Ng Mariveles Laban Sa Kurapsyon Incorporated (MMLK) ng 10 bilang ng kasong graft and corruption sa Office of the Ombudsman ang mag-amang dating mayor ng Mariveles, Bataan dahil sa umano’y pagpasok sa maanomalyang kontrata sa gobyerno para sa isang proyekto na walang notaryadong kontrata.

Sa magkakahiwalay na reklamo ng MMLK laban kina dating Mariveles Mayors Jesse Concepcion at anak na si Ace Jello (AJ), lumabag umano ang dalawa sa RA 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at R.A 9184 o  “Government Procurement Reform Act,” gayundin ang Malversation of Public Funds at Usurpation of Authority.

Ang MMLK ay nakarehistro bilang non-stock corporation na nakabase sa Mariveles at nirerepresenta ng pangulo nito na si Joseph Preyra at Corporate Secretary George Roblee Imperial Jr.

Base sa reklamo, nagkaroon umano ng sabwatan para paboran ang mga contractors para ipatupad ang mga proyekto ng gobyerno nang walang kaukulang legal procedures at sa kabiguang isumite ang documentary requirements na nakasaad sa RA 9184 at implementing rules and regulations nito.

Ang nakatatandang Concepcion na nanungkulan bilang alkalde mula 2007-2016 ay pinalitan ni AJ mula 2016 subalit natalo noong 2019. Tinatayang P32 milyon umano ang nagastos ng mag-ama sa mahigit na 10 proyekto na kasama sa reklamo ng grupo na nangyari sa termino ni AJ.

Ayon sa MMLK, maituturing na usurpation of authority sa ilalim ng Article 177 Revised Penal Code ang ginawa ni AJ dahil ito umano ang kumatawan bilang municipal mayor ng Mariveles sa lahat proyekto na ang kanyang amang si Jesse ang nagtatag at nag-published ng Bid Notice Abstract-Invitation to Bid para sa mga proyekto sa pamamagitan ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).

vuukle comment

GRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with