^

Probinsiya

Parak nabaril ang sarili, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parak nabaril ang sarili, patay!
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO 6, kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Bernie Sales, 37-anyos, intelligence operative ng Sagay City Police sa lalawigan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang parak makaraang aksidenteng mabaril ang sarili sa gitna ng mainitang pakikipagtalo sa isang asset ng pulisya sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO 6, kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Bernie Sales, 37-anyos, intelligence operative ng Sagay City Police sa lalawigan.

Base inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8 ng gabi, habang nakikipagpulong ang biktima sa tatlo nilang assets sa may Brgy. Zone 4 nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng una at isa sa mga informants. Kinuha umano ng nasabing parak ang baril niyang cal. 9mm pero tinangka umano siyang awatin ng isang asset pero aksidenteng pumutok ito at tumama sa katawan ng una.

Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival. Sinisiyasat pa ng pulisya kung may “foul play” sa insidente.

vuukle comment

PATAY

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with