^

Probinsiya

P285 milyong shabu, marijuana sinunog sa Bicol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
P285 milyong shabu, marijuana sinunog sa Bicol
Ang naturang droga ay naipon sa ginawang mga drug operations ng mga ahente ng PDEA sa iba’t ibang lugar sa Kabikulan noong nakaraang taong 2019 na ginamit bilang ebidensya sa mga isinampang kaso ng mga state prosecutors sa korte laban sa mga nahuling suspek.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aabot sa higit P285,907,061.66 na ha­laga ng methampetamine hydrochloride o shabu at pinatuyong dahon ng marijuana ang sinunog ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 5 sa incinerator ng Palanog Cement Factory sa Brgy. Palanog,Camalig ng lalawigang ito ka­makalawa ng umaga.

Ayon kay Regional Director ll Marjorie Ballesteros, officer-in-charge ng PDEA-Bicol, tumitimbang ng 41,888.3006 gramo ng shabu ang sinunog na nagkakahalaga ng P284,840,444.08 habang nasa 8,888.4798 gramo pinatuyong dahon ng marijuana at nagkakahalaga ng P1,066,617.676 ang sinunog. Ang pagsunog sa mga droga ay binigyang bendisyon ni Judge Timoteo Panga Jr., executive judge ng Branch 60,Regional Trial Court sa Iriga City, Camarines Sur.

Ang naturang droga ay naipon sa ginawang mga drug operations ng mga ahente ng PDEA sa iba’t ibang lugar sa Kabikulan noong nakaraang taong 2019 na ginamit bilang ebidensya sa mga isinampang kaso ng mga state prosecutors sa korte laban sa mga nahuling suspek.

Ang pagsunog na ginawa sa incinerator ng Goodfound Cement Factory ay bilang pagtalima sa utos ng korte at DENR na dapat gawin sa kulob at hindi sa bukas na lugar ay sinaksihan ng mga kinatawan ng korte, ilang ahensya ng pamahalaan at piling media.

vuukle comment

MARIJUANA

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with