^

Probinsiya

Magat dam nagpakawala ng tubig, 2 barangay muling binaha

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Magat dam nagpakawala ng tubig, 2 barangay muling binaha
Sinabi ni Mark Timbal, Spokesman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, dahil sa pagbaha ay nagsilikas ang mga residente mula sa dalawang naapektuhang barangay ng Linao at Annafunan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dumanas muli ng matinding pagbaha ang mga residente sa Tuguegarao City, Cagayan matapos na magpakawala ng tubig ang Magat dam nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Mark Timbal, Spokesman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dahil sa pagbaha ay nagsilikas ang mga residente mula sa dalawang naapektuhang barangay ng Linao at Annafunan.

Tinatayang daang katao mula sa 40 pamilya sa Brgy. Annafunan at 30 pamilya sa Brgy. Linao ang isinailalim sa preemptive evacuation ng pamahalaang lungsod ng Tuguegarao dahil sa pagbaha at hindi rin madaanan ang provincial road sa Anafunan East patungong Linao at Atulayan via Coreshelter ng lungsod.

Nauna rito, naglabas ng “flood warning” ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MRIIS) at Reservior Division dakong laas-5 ng umaga sa mga residente sa Northern Luzon lalo na sa mga nasa upper, middle at lower Cagayan na maaaring maapektuhan sa posibleng pagbaha sa mga river channels sa kanilang lugar dahil sa pagre-release ng nasa 800 cubic meters per second (cms) ng tubig dahil aapaw na ang dam sa sobrang tubig.

Sa paalala ng NIA-MRIIS , sinabing bubuksan nila ang Gate 4 ng  Magat dam ng may dalawang metro upang maipalabas ang sobrang tubig na may 393 cms alas-9 ng umaga kahapon. Ang Gate 3 naman ay nagbukas ng isang metro bandang alas-8 ng umaga para mailabas ang may 179 cms ng tubig.

Dahil dito, agad nag-isyu ng precautionary advisories ang Cagayan Valley Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) para sa paglilikas upang matiyak sa kaligtasan ng mga residente.

vuukle comment

MAGAT DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with