^

Probinsiya

Egg dealer tiklo sa pekeng sigarilyo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang 25-anyos na lalaking nagpakilalang egg dealer matapos na masamsaman ng 82 reams o 820 kaha ng pekeng sigarilyo sa Purok 3, Brgy. Sto. Cristo sa bayan ng San Antonio, dito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Jun Pangilinan, binata, isang vendor ng Purok 4, Brgy. Lawang Kupang ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, dalawang store owner ang nagreklamo sa kanilang himpilan na umano ay nabilhan nila ng pekeng sigarilyo ang isang nagro-rolling na lalaking vendor at doo’y inilarawan ang hitsura ng suspek.

Sa pagroronda ng mga operatiba, natiyempuhan nila bandang alas-12:22 ng tanghali noong Biyernes sa naturang lugar ang suspek na kamukha sa ibinigay na deskripsyon ng mga biktima.

Sinita ng mga pulis ang suspek na nagsabing isa siyang egg dealer, pero nang utusan ang suspek na buksan ang dalawang kahon na nasa sasakyan nito ay bumulaga ang kulay asul at berdeng si­garilyo na ang tatak ay “Two Moon”.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang suspek ay wala siyang maipakitang katibayan na legal ang pagkakaroon ng mga pekeng sigarilyo sanhi ng kanyang pagkakaaresto habang kinumpiska rin ang kanyang dalang kolong-kolong na motorsiklo at ilang tray ng itlog.

vuukle comment

EGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with