PAF chopper bumagsak sa Lanao del Sur, 1 dedo
Lulan ang mga sundalong sugatan sa pagsabog
MANILA, Philippines — Isang sundalo ng Philippine Air Force (PAF) na nasugatan sa pagsabog ang patay nang mag-crash ang kanilang sinasakyan chopper habang patungo sa ospital kamakalawa ng hapon sa Lanao del Sur.
Sa report ng Western Mindanao Command (WestMinCom), nagsagawa ng air evacuation ang PAF UH1H helicopter sa mga sundalong nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa lugar.
Alas-4:15 ng hapon nang makuha ang sugatang sundalo at mag-take off ang chopper sa Barangay Lilitun nang bigla na lamang itong bumagsak.
Bahagyang nasugatan ang piloto, crew at iba pang sakay ng chopper pero minalas na matuluyan ang nasabing PAF soldier.
Samantala, ipinaabot naman ni 1st Infantry Division Commander Maj. Gen. Gene Ponio ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawi.
“We have done everything just to save our wounded soldier the fastest way we can thru our air assets, unfortunately the incident happened,” ani Ponio.
- Latest