^

Probinsiya

4 rescuers nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Apat na volunteers ng Quirino province na nagsagawa ng rescue and relief mission sa lungsod na ito noong pananalanta ng bagyong Ulysses ang umuwing may taglay na COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng kanilang pagsusuri kahapon.

Ayon sa Provincial Health Office ng Quirino; ang apat na nakabalik sa lalawigan noong Nobyembre 18 ay dumiretso sa kanilang mga lokal na quarantine facilities at hindi umuwi sa kanilang mga bahay.

Ayon sa PHO dalawa sa mga tinamaan ng virus ay taga bayan ng Aglipay habang ang dalawa at taga Diffun at Cabarroguis.

Ang apat ay pawang nagtungo sa Tuguegarao noong kasagsagan ng malawakang pagbaha noong Nobiyembre 15.

Pinangangambahang marami pang nahawa ang apat sa kanilang pagpapatupad ng misyon dahil sa pagiging asymptomatic nila o walang nararamdamang sintomas.

Samantala walong kaso ang naitala ng awtoridad na tinamaan ng COVID-19 sa lungsod na ito habang 11 naman sa Cauayan City, Isabela na karamihan ay mga evacuees sa nagdaang baha dulot ng bagyong Ulysses.

Ang mga nagpositibo sa Cauayan City ay mga pawang kinunan ng swab test ng aggressive mass testing doon noong Nobyembre 22 habang ang mga nagpositibo dito ay mula sa regular na swab test na isinagawa ng Cagayan Valley Medical Center noong Nobyembre 23.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with