^

Probinsiya

NIA-pagpapakawala ng tubig sa dam ‘di dahilan ng malawakang baha sa Cagayan, Isabela

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan si National Irrigation Administration (NIA) head Ricardo Visaya na hindi ang pagbubukas ng gates ng Magat dam ang ugat ng matinding pagbaha sa Cagayan, Isabela noong panahon na may matinding pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses.

Binigyang diin ni Visaya na hindi magkakaroon ng matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela kung walang malawakang illegal logging, mining at quarrying activities sa lugar.

Batay sa isang matrix ni Visaya,ipinakita nitong  mula  November 9 hanggang 14 noong kasagsagan ng bagyo, ang peak water inflow  ng Magat Dam ay 7,128 cubic meters per second  pero naglalabas lamang ang  dam  ng 6,706 cubic meters per second at ito anya ang pagpapatunay na hindi ang pagbubukas ng water gate ng dam ang ugat ng matin­ding pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Anya,naabisuhan nila ang lahat nang maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig  lalo na ang mga gov’t offi­ces, LGUs, radio stations sa loob ng anim na oras para makagawa ang mga ito ng hakbang na hindi maaapektuhan bago ang aktuwal na pagpapakawala ng tubig at lahat ng LGUs ay may pirma sa pagitan ng NIA na sila ay naimpormahan ng ahensiya hinggil ditto.

vuukle comment

NIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with