^

Probinsiya

Motor salpok sa van: Rider, angkas patay

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Kapwa nasawi ang rider at angkas nito matapos sumalpok ang kanilang sinasak­­yang motorsiklo sa isang kasalubong na van habang bumabagtas sa national highway ng Barangay San Miguel sa bayan ng Luna, lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Luna Police ang dalawang nasawi na sina  Christian Cloyd Lopez, 33, at Roderick­ Aquino, 34, kapwa cons­truction worker at re­si­dente ng Barangay Centro 2 sa nabanggit na bayan.

Sa ulat, umagaw umano­ sa linya ang motorsiklo na walang plaka ng mga biktima sa kasalubong na delivery van (DCP 4303) na minamaneho ni Reymund Collado, 21, ng Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela sanhi ng salpukan.

 Dahil sa lakas ng impact, agad nasawi si Lopez habang ang backrider na si Aquino ay binawian din ng buhay matapos isugod sa pinakamalapit na ospital.

Boluntaryo naman na sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng sasak­yan na si Collado matapos ang insidente. 

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with