^

Probinsiya

Dating nakasuhan sa droga, itinumba ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Dating nakasuhan sa droga, itinumba ng tandem
Tinitingnan ng mga imbestigador kung ang pagpatay ay konektado sa mga nakaraang kaso sa droga ni Collado na pawang ibinasura ng korte.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Naging hudyat ng riding-in-tandem assassins ang paghupa ng baha upang mapuntahan at maitumba ang isang 43-anyos na mister sa labas ng kanyang bahay sa Barangay San Gabriel ng lungsod na ito noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Milton Collado na sinasabing dating may mga kaso dahil sa ipinagbabawal na droga. Sa report ng pulisya, inilabas ng biktimang si Milton Collado ang alagang aso sa kanilang bakuran upang magbawas at dito tinapatan ng dalawang armadong lalaki na sumulpot sa lugar saka pinagbabaril ang una dakong alas-3:00 ng hapon. Patay agad na lumagapak sa kalsada si Collado habang mabilis sumibat ang mga ‘di kilalang berdugo sakay ng motorsiklo.

Tinitingnan ng mga imbestigador kung ang pagpatay ay konektado sa mga nakaraang kaso sa droga ni Collado na pawang ibinasura ng korte.

vuukle comment

DROGA

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with