^

Probinsiya

Hepe ng pulisya sa Palawan sinibak!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang ambush-slay ng isang abogado

MANILA, Philippines — Dahil sa sunud-sunod na insidente ng patayan sa Palawan kabilang ang naganap na pananambang sa isang abogado na nagbibigay ng pangamba sa mga residente, sinibak sa puwesto ang Police Provincial director na si P/Col. Dionisio Bartolome.

Batay sa General Order Number 236 na may petsang November 21, 2020, kinailangang alisin sa puwesto si Bartolome upang bigyang daan ang imbestigasyon laban sa kanya hinggil sa kakulangan sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin.

Ayon kay Police Regional Office 4-B (Mimaropa) spokesperson Lt. Col. Imelda Tolentino, tila hindi umano masawata ni Bartolome ang mga krimen sa kanyang nasasakupan.

Ang pinakahuling insidente ng pamamaril ay ang pamamaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit na tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa rin natutukoy na mga suspek.

Sinabi ni Tolentino, papalitan ni P/Col. Nicolas Torre III, kasaluku­yang deputy regional director for operations ng PRO-4B ang maiiwang puwesto ni Bartolome.

Itinalaga naman ni PRO-4B regional police director B/Gen. Nicerio Obaob si Torre na pamunuan ang Special Investigation Task Group (SITG) Magcamit.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with