^

Probinsiya

Magsasaka inutas habang nag-aani

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang magsasaka makaraang paulanan ng punglo ng hindi nakikilalang lalaki habang nag-aani ang biktima ng tanim na gulay sa Purok 2, Barangay Mangilag Norte ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Crisanto Sabanal, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga habang nag-aani ng sitaw ang biktima nang lapitan ng hindi nakikilalang lalaki at walang sabi-sabing pi­naulanan ng punglo gamit ang isang maiksing baril saka mabilis na tumakas.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with