^

Probinsiya

‘Tulak’ kumasa sa buy-bust, utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang tulak ng droga matapos na magtangkang manlaban sa mga pulis sa inilatag na buy-bust operation laban sa kanya sa C5-Bypass Road, Brgy. Mabolo ng lungsod na ito kamaka­lawa ng madaling araw.

Naisugod pa sa Naga City Hospital ng mga pulis pero nalagutan ng hininga habang nilalapatan nang lunas ang suspek na si Ruben Rosana, residente ng Brgy. San Felipe at nasa bagong drug watchlists ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nagkasundo ang suspek at pulis na umaktong po­suer buyer sa bentahan ng shabu sa naturang lugar. Gayunman, matapos na maiabot ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000 ay nakahalata ang suspek sa ginawang pagsenyas ng pulis kaya agad na bumunot ng kanyang baril ang una at pinutukan ang papalapit na mga ope­ratiba sanhi ng shootout.

Napuruhan ng punglo ang suspek na duguang bumulagta sa kalsada. Narekober sa kanya ang kalibre 38 baril at mga bala, dalawang sachet ng shabu at buy-bust money.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with