^

Probinsiya

Tiaong masaker: 3 magkakaibigan patay, 2 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Tiaong masaker: 3 magkakaibigan patay, 2 sugatan
Kinilala ni P/Lt. Col. Dennis De Leon, chief of police dito ang mga namatay na sina Ricardo Nitro, Selvino Macaraig, kapwa ng Brgy. Del Rosario at Jay Ar Javillo ng Barangay Cabay na pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan.
File

TIAONG, Quezon, Philippines — Umagos ng dugo ang masayang inuman ng limang magkakaibigan matapos na mamatay ang tatlo sa kanila habang dalawa ang malubhang nasugatan nang bigla silang pagbabarilin ng dalawang umatakeng lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay Del Rosario ng bayang ito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Dennis De Leon, chief of police dito ang mga namatay na sina Ricardo Nitro, Selvino Macaraig, kapwa ng Brgy. Del Rosario at Jay Ar  Javillo ng Barangay Cabay na pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa San Juan Batangas District Hospital sina Rico Macaraig ng Barangay Del Rosario at Meliton Hernandez ng Barangay San Juan.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-8:00 ng gabi nang maganap ang masaker sa mga magkakaibigan habang masaya silang nag-iinuman sa nasabing lugar. Bigla umanong dumating ang dalawang hindi kila­lang lalaki na armado ng maiiksing baril at pagkakita sa naturang grupo ay agad silang pinaulanan ng bala saka naglakad lamang na tumakas.

Isinugod ng mga saksi ang mga biktima sa ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang tatlo habang inoobserbahan ang lagay ng dalawa.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen.

vuukle comment

MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with