^

Probinsiya

Lider ng Abu Sayyaf, 1 pa utas sa encounter

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lider ng Abu Sayyaf, 1 pa utas sa encounter
Ayon kay Western Min­danao Command (Westmincom) chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., habang nagsasagawa ng combat operations ang Marine Battalion Landing Team-1 (MBLT-1) sa Brgy. Kawasan dakong alas-5:45 ng madaling araw nang makasagupa nila ang Abu Sayyaf sub-leader na si Hatib Munap Binda sa Pa­na­mao, Sulu. Tumagal ang engkuwentro ng 30 minuto kung saan napatay si Binda at narekober ang M16 rifle at M14 rifle nito.
AFP Westmincom, file

MANILA, Philippines — Patay ang isa umanong Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader  at miyembro nito nang  makaengkuwentro ng militar sa magkahiwalay na lugar sa Sulu kahapon.

Ayon kay Western Min­danao Command (Westmincom) chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., habang nagsasagawa ng combat operations ang Marine Battalion Landing Team-1 (MBLT-1) sa Brgy. Kawasan dakong alas-5:45 ng madaling araw nang makasagupa  nila ang Abu Sayyaf sub-leader na si Hatib Munap Binda sa Pa­na­mao, Sulu. Tumagal ang  engkuwentro ng 30 minuto kung saan napatay si Binda at narekober ang M16 rifle at M14 rifle nito.

Si Binda ay sinasabing senior leader ng nasabing terror group na nagsasagawa ng illegal na operasyon sa munisipalidad ng Kalingalan Caluang at Panamao, Sulu. Sangkot ang grupo nito sa serye ng kidnapping sa mga boundaries ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas.

Dakong alas-6:45 naman ng umaga nang mapatay  ang bandidong si Bensio Barahama matapos ang  20 minutong bakbakan sa pagitan ng  MBLT-1 sa pamumuno ni Colonel Marvin Salvan. Nakuha dito ang  isang M14 rifle.

Si Barahama ay ama umano ni  ASG leader Sansibar Bensio na nag-o-operate sa Panamao, Omar at Luuk. - Rhoderick Beñez

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with