^

Probinsiya

Kelot binaril sa harap ng ama

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

STA. ELENA, Camarines Norte, Philippines — Patay ang isang 35-anyos na lalaki matapos na barilin habang nakaupo sa tabi ng kanyang tatay at mga kaibigan sa Purok-2, Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa katawan at namatay habang isinusugod sa Rosary of Virgin Mary Hospital ang biktimang si Francis Anthony Barbasa, residente ng San Francisco Village 2, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal at nagbabakasyon lang sa nasabing barangay.

Hindi naman nakilala ang nag-iisang gunman na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang pamamaril.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi habang nakaupo sa loob ng pahingahang kubo ang biktima at nakikipagkuwentuhan sa kanyang tatay at mga kaibigan nang biglang sumulpot mula sa likuran ang suspek na nakasuot ng shorts, t-shirts at bullcap. Walang kaabug-abog na bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima na agarang nasawi. 

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with