^

Probinsiya

Bahay na nilinisan dahil sa baha nasunog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dobleng kamalasan ang tinamo ng isang pamilya matapos lubugin ng baha ang kanilang bahay ay natupok naman ito ng apoy sa Barangay San Juan, Cabagan, Isabela,kamakalawa.

Nabatid na kalilinis lang ni Marcelo Zipagan ang bahay nitong kinapitan ng burak nang nagdaang baha dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon sa report ng Bureau of File Protection, inabot ng isang oras bago naapula ng mga bumbero ang apoy na nagsimula dakong alas-12:00 ng tanghali.

Batay sa imbestigasyon, sanhi ng pagsiklab ng sunog ang paglalaro ng lighter ng mga naiwang paslit sa loob ng bahay habang nililinis ng kanilang matatanda ang bakuran.Mapalad namang walang nasawi o nasaktan sa insidente.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with