^

Probinsiya

200 katao naaresto sa police ops sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Umabot sa 200 katao ang nadakma ng Cavite police sa magdamagang operasyon sa iba’t ibang lugar ng lalawigan na sangkot sa iba’t ibang kaso partikular na sa droga, kamakalawa ng gabi.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Marlon Santos, may 62  drug busts  operation ang naisagawa sa iba’t ibang bayan at lunsod dito at nadakma ang may 108 drug personalities at nakumpiska ang  260 piraso ng mga transparent plastic sachets na naglalaman ng mga shabu , 2 bricks at may 16 na plastic sachets na naglalaman naman ng Marijuana.

Habang umabot sa kabuuang 145  katao naman ang naaresto sa anti-criminality campaign at Community Quarantine Violators .

Apat na operasyon naman ang naisagawa ng  Cavite PPO sa mga against illegal gambling na ikinadakma ng may 10 katao.

Sa operasyon laban sa loose firearms, isa sa mga naarestong suspek ay may  warrant of arrest at 2 drug suspek ay nakuhanan din ng mga illegal  firearms.

Umabot naman sa walo katao na most wanted persons sa Regional Manhunt Charlie at kasama sa Top # 8 sa kasong Rape at  Top # 9 sa kasong  murder.Tatlo naman ang  nasa Top 1 ng Cavite Provincial List ang nadakma  na may mga kasong Rape at Frustrated Murder. Habang 12 wanted persons pa ang nasakote na may mga iba’t ibang kaso. Anim naman ang sangkot sa mga iba’t ibang krimen. Habang may 55 katao ang nadakma sa Quarantine Violators.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with