^

Probinsiya

2 ‘karnaper’ todas sa shootout!

Doris Franche, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 �karnaper� todas sa shootout!
Ayon kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng San Rafael Police, dakong alas 5:10 ng madaling araw nang makaengkuwentro nila ang dalawang ‘di pa nakikilalang carnapper matapos na pagbaba­rilin sila nang makalusot sa inilatag nilang checkpoint.
STAR/File

Matapos lampasan ang checkpoint

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang motor­cycle carjackers ang napatay ng mga operatiba ng San Rafael Police sa isang engkuwentro sa isang checkpoint sa Bypass Road, Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng San Rafael Police, dakong alas 5:10 ng madaling araw nang makaengkuwentro nila ang dalawang ‘di pa nakikilalang carnapper matapos na pagbaba­rilin sila nang makalusot sa inilatag nilang checkpoint.

Nauna nang ini-radyo ng mga pulis sa Bulacan Highway Patrol Group (HPG) na may insidente ng pagnanakaw ng isang Yamaha Mio sa Brgy. Sampaloc dakong alas-3:20 ng madaling araw.

Agad nagsagawa ng dragnet operation ang mga otoridad at nag­latag ng mga checkpoint sa mga posibleng daraanan ng dalawang suspek.

Lumusot sa inilatag na checkpoint ang mga suspek kaya’t dito na nagkaroon ng habulan at palitan ng putok na humantong sa pagkaka­paslang sa dalawa.

Nabawi sa mga na­patay na suspek ang ni­nakaw nilang motorsiklo, isang caliber .38 revol­ver, sub-machine gun at da­lawang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with