^

Probinsiya

2 ‘tulak’ utas sa Bulacan buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay­ ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug bust ope­ration kahapon ng madaling araw at Martes­ ng gabi sa siyudad ng San Jose del Monte (SJDM) at bayan ng Bustos sa Bulacan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan po­lice director ang dalawang napatay na suspek na sina Alnor Liwa at isang alyas “Onin”.

Napatay si Liwa sa isinagawang drug buy-bust sa Bijasa road, Brgy. Gaya-gaya, SJDM dakong alas-2:15 ng madaling araw matapos na makipagbarilan sa mga pulis, nakatakas naman ang kasama nito. Nare­kober dito ang isang cal .38 pistol, apat na medium size transparent plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Dead-on-arrival naman sa pagamutan si alias Onin matapos na manlaban sa mga pulis at makipagbarilan sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Catacte, Bustos dakong alas-11:30 ng Martes ng gabi. Nakatakas ang kasamahan ni Onin sakay ng motorsiklo na tinutugis ng Bustos Police.

Narekober sa crime scene ang isang cal .38 revolver, 20 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with