^

Probinsiya

7 pa patay kay ‘Ulysses’ narekober sa Cagayan Valley

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
7 pa patay kay �Ulysses� narekober sa Cagayan Valley
Sinabi ni P/Lt. Col. Andree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2), nadagdagan ang 22 na dating bilang ng mga nasawing biktima sa patuloy na isinasagawang search and rescue operation ng pinagsanib na puwersa ng AFP, PNP, Philippine Coast Guard, at iba’t ibang ahensya ng gob­yerno sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Quirino.
Michal Varcas

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 29 ang bilang ng mga naitalang patay sa Cagayan Valley o Region 2 matapos magkakasunod na narekober sa “search, rescue and retrieval operations” ng mga awtoridad ang pito pang bangkay dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses, ayon sa pinakahuling ulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni P/Lt. Col. Andree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2), nadagdagan ang 22 na dating bilang ng mga nasawing biktima sa patuloy na isinasagawang search and rescue operation ng pinagsanib na puwersa ng AFP, PNP, Philippine Coast Guard, at iba’t ibang ahensya ng gob­yerno sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Quirino.

Sa report ng Office of Civil Defense, ang mga bangkay na nakilalang sina Jhine  Bryce Cadava at Rodolfo Pagaduan ay magkasunod na nahango sa Brgy.  Nasipping, Gat­taran at Brgy. Versosa, Baggao sa paghupa ng tubig baha sa Cagayan.

Narekober din ang katawan ng mga paslit na sina Jake Mark Punay, 3- anyos, sa Brgy. Ylanan, Maddela at Joshia Michael Epie, 9 anyos, sa Brgy. Giayan Nagtipunan; pawang sa Quirino.

Sa Isabela, ang bangkay ng 72-anyos na lolong si Venancio Manuel, ay narekober ng awtoridad sa Barangay Arubub, Jones habang dalawa pang bangkay na natagpuan ang patuloy na kinikilala sa Cagayan at isa pa ang patuloy na pinaghahanap.

Sa ulat ng PRO2, pinakamarami ang nasawi sa Cagayan na umabot sa 13 katao kung saan anim sa kanila ang nalunod, apat ang natabunan sa landslide, tatlo ang nakuryente habang tatlo ang nasugatan. Sumunod ang Nueva Vizcaya matapos matabunan ang 10 katao sa tatlong landslides sa isang malaking minahan sa Brgy. Runruno, Quezon.

Sa Isabela, nakapagtala rin ng limang nasawi dahil sa pagkalunod habang ang lalawigan ng Quirino ay may isang namatay habang isa ang nawawala.

vuukle comment

CAGAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with