^

Probinsiya

Mister pinasok, kinaladkad palabas ng bahay saka niratrat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TALISAY, Camarines Norte , Philippines — Namatay noon din ang isang 56-anyos na mister matapos pa­sukin sa kanyang bahay at kaladkarin palabas saka pinagbabaril ng tatlong lalaki sa Purok-1, Brgy. Gabon ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng mga bala sa ulo at katawan ang biktimang si Magno Cu Jr., residente ng nasabing barangay sanhi ng kanyang agarang pagkasawi sa harap ng kanyang tahanan.

Sa ulat sa mga pulis ng kinakasama ng biktima na si Mirasol Aquino, dakong alas-9:45 ng gabi habang nasa loob sila ng bahay nang puwersahang pumasok ang mga suspek. Mabilis aniyang naghalughog ang mga suspek at pinagkukuha ang kanilang tatlong mamaha­ling cellphone saka nila inilabas ang live-in partner at pinagbabaril sa harap mismo ng kanilang bahay. Hindi naman sinaktan ang naturang ginang at mabilis na tumakas ang mga suspek makaraang mapatay ang mister.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 baril. 

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with