^

Probinsiya

Nene nabundol ng trike, dedo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 5-anyos na batang babae nang mabundol ng tricycle sa national highway kamakalawa sa Brgy. Dili. Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hospital sa Brgy. Bio, Tagudin, Ilocos Sur ang biktimang si Camille Abria Barbado, residente ng naturang lugar habang sumuko sa Sta. Cruz Municipal Station ang driver ng tricycle na si Edward Tud Bautista, 34, dating OFW at residente ng Brgy. Paratong ng naturang bayan.

Sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Bautista at patungong hilagang direksyon nang pagsapit sa lugar ay biglang nag-overtake sa isang sasakyan hanggang sa masagi nito ang bata na isa sa tatlo kataong nakatayo sa western shoulder ng southbound lane ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro mula sa kanyang kinatatayuan ang biktima.  

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with