^

Probinsiya

Lider ng drug group, 22 pa timbog sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lider ng drug group, 22 pa timbog sa buy-bust
Kinilala ang suspek na si Jerby Villar, 35, umano’y lider ng Villar Drug Group at residente ng Brgy Timalan. Concepcion, Naic, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Isang lider ng drug group at 22 pang hinihinalang drug pushers ang nalambat ng pulisya sa isinagawang serye ng operasyon dito sa lalawigan kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jerby Villar, 35, umano’y lider ng Villar Drug Group at residente ng Brgy Timalan. Concepcion, Naic, Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), dakong alas-9:50 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng Naic Drug Enforcement Unit (DEU) laban kay Villar sa Brgy. Timalah, Balsahan. Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang magpositibo ang kanilang transaksyon ay agad dinakma ng mga awtoridad ang suspek na nasamsaman ng 4-plastic sachet ng shabu.

Ang grupo umano ni Jerby ang nagsusuplay ng droga sa Naic at sa kalapit na lungsod at bayan sa Cavite.

Sa magdamagang buy-bust operation ng pulisya, naaresto rin ang 22 drug pushers sa tatlong lungsod at anim na bayan sa Cavite. Isinagawa ang buy-bust mula alas-2:15 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ang mga dinampot na suspek ay mula sa lungsod ng Imus kung saan anim ang naaresto, sumunod ang Rosario at Naic na tig-4 ang nadakip; habang tig-2 ang Bacoor City, Trece Martires City, at GMA; at tig-1 naman ang Tanza, Magallanes at Kawit o nasa kabuuang  23 katao kasama na si Villar.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with