^

Probinsiya

2 ‘tulak’ bulagta sa drug raid

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� bulagta sa drug raid
Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Kamlon Balah Mantawil at Abdullah Banggaan alyas “Totong”, may asawa, pawang taga-Brgy. Natutungan, Matalam.
STAR/ File

NORTH COTABATO , Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang kilabot na drug pushers na may patung-patong na kasong kriminal matapos umanong pumalag sa isinagawang pagsalakay ng pulisya sa kanilang lungga sa bayan ng Matalam ng lalawigang ito noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Kamlon Balah Mantawil at Abdullah Banggaan alyas “Totong”, may asawa, pawang taga-Brgy. Natutungan, Matalam.

Si Mantawil ang sinasabing target sa raid dahil sa kasong murder at carnapping.

Ayon sa report, kapwa nanlaban ang dalawang suspek matapos pasukin ang kanilang lungga ng pinagsanib na puwersa ng Matalam Police at ng Special Action Force (4th SAB) bitbit ang search warrant na inisyu Presiding Judge Henelinda Molina-Diaz ng Regional Trial Court Branch 22 ng Kabacan noong Nobyembre 10.

Ayon kay P/Capt. Junrel Amotan, hepe ng Matalam Police, ang dalawang suspek ay nasa listahan ng mga high value individuals at most wanted persons ng bayan. Ang dalawa ay kapwa rin nagbebenta at gumagamit umano ng mga ilegal na droga. Dinala pa ang mga suspek sa Midway Hospital sa Matalam ngunit idineklara na silang dead-on-arrival ng mga doktor.

Narekober sa lugar ang dalawang kalibre 45 pistola, at 20 na maliliit na pakete ng pinaghihinalaang shabu.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with