^

Probinsiya

Parak itinumba ng tandem sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY , Philippines — Dead-on-the-spot ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Bunga Menor sa Bustos, Bulacan kahapon.

Sa inisyal na report ng Bustos police ganap na 11:45 ng umaga nitong Sabado nang maganap ang ambush.

Kinilala ang biktima  na si PCpl. Abdul  S. Salipuddin, nasa hustong gulang.

Base sa paunang imbestigasyon, papasok sa trabaho ang pulis kung saan wala pang isang buwan siyang nalilipat sa Angat Police Station mula sa dati nyang assignment sa Calumpit Police Station.

Nabatid na lulan ng toyota Innova na kulay pula ang biktima na may plakang ZBT-866 kung saan malapitan siyang pinaputukan ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet na armado ng Cal.45 sakay ng kulay itim na NMAX.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa bahagi ng Bustos-San Rafael Bypass Road. 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with