^

Probinsiya

Mag-amang sakay ng bangka, nalunod

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Nagtangkang lumikas sa baha

LOPEZ, Quezon , Philippines — Kapwa bangkay na nang matagpuan kahapon ang mag-amang huling nakitang buhay na nakasakay sa bangka at tinatangkang lumikas patungo sa evacuation center noong kasagsagan ng bagyong Ulysses sa Barangay Tan-ag, dito.

Kinilala ang mga biktima na sina Allan, 22- anyos at Ayesha Rose Florido, 5-anyos; kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, noong nananalasa ang bagyong Ulysses sa lalawigan ng Quezon ay nakita ang mag-ama dakong alas-10:30 ng umaga na sakay ng bangka at binabagtas ang lubog na sa tubig-bahang palayan patungo sa evacuation center.

Mula noon ay hindi na nakita ang tatay at anak na paslit hanggang sa matagpuan ang mag-ama na wala nang buhay sa isang sapa.

Hinihinalang dahil sa lakas ng agos ng tubig ay hinampas ang sinasakyang bangka ng mag-ama at tulu­yang tumaob na kanilang ikinalunod. — Joy Cantos

vuukle comment

BAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with