^

Probinsiya

4 dedo sa road mishap sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
4 dedo sa road mishap sa Quezon
Sa ulat ng Tiaong Police kay Quezon Police director Col. Audie Madrideo, naitala ang unang aksidente sa Maharlika Highway, Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon dakong alas-3:45 ng hapon. Bumabagtas sa nasabing kalye ang tricycle na minamaneho ni Aldrich Mendoza, 29, sakay ang pasaherong si Joel Delos Reyes, 41, kapwa ng Candelaria, Quezon nang mawalan sila ng kontrol dahil sa madulas na kalsada at bumangga sa Bicol­ bound na Wing van truck ni Alger Garcia.
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Apat katao ang nasawi kabilang ang isang Indian national habang isa ang malubhang nasugatan makaraang masangkot sa magkakahiwalay na vehicular accident kamakalawa sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat ng Tiaong Police kay Quezon Police director Col. Audie Madrideo, naitala ang unang aksidente sa Maharlika Highway, Brgy. Talisay, Tiaong, Quezon dakong alas-3:45 ng hapon. Bumabagtas sa nasabing kalye ang tricycle na minamaneho ni Aldrich Mendoza, 29, sakay ang pasaherong si Joel Delos Reyes, 41, kapwa ng Candelaria, Quezon nang mawalan sila ng kontrol dahil sa madulas na kalsada at bumangga sa Bicol­ bound na Wing van truck ni Alger Garcia.

Patay agad si Delos Reyes samantalang dead-on-arrival sa Candelaria District Hospital si Mendoza.

Samantala, dead-on-the-spot din ang Indian na si Kumar Manjit, 36 ng Brgy. Gulang-gulang matapos na banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo dakong alas-6:15 ng gabi sa Diversion Road, Brgy. Domoit, Lucena City, ng trak na minamaneho ni Philip Abdula, 37, ng Trece Martirez, Cavite.

Nakatayo lamang sa harapan ng outpost sa Executive Village ng Brgy. Kanlurang Mayao Lucena City dakong alas-12:15 ng madaling araw ang barangay tanod na si Wilfredo Oreta, 63 nang banggain ng Suzuki Ertiga Wagon na minamaneho ng negosyanteng si Mark Losloso, 29, ng Brgy. Ibabang Dupay.

Namatay agad si Oreta dahil sa grabeng pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang malubhang nasugatan si Losloso dahil sa pang-aararo nito sa nakaparadang tricycle, poste ng kuryente at pader ng isang establisimyento.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with