^

Probinsiya

Mister nakuryente habang nag-aayos ng bubong

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

BUENAVISTA, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang mister matapos na makuryente habang nagkukumpuni ng bubong ng kanilang bahay sa Barangay Wasay Ibaba, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Dande Aurellana, 55, magsasaka ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, alas 4:25 ng hapon habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan ay umakyat sa bubong ng kanilang bahay ang biktima upang kumpunihin bilang paghahanda sa bagyong Ulysses.

Aksidente umanong napahawak sa live wire ng Quezon Electric Cooperative (QUEZELCO) ang biktima at dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa kanyang katawan ay umusok at nagkikisay ito.

vuukle comment

DANDE AURELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with