^

Probinsiya

16 na nagsusugal sa lamayan, timbog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
16 na nagsusugal sa lamayan, timbog
Kinilala ni Police Lieutenant Joel Desargo, hepe ng Sta. Maria Police Station ang nakatakas na opisyal ng barangay na si Chairman Ernesto Dasalla Jr., 70 na dumayo sa lugar mula sa kanyang teritoryo sa Barangay Maynganay Sur.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang 16 katao habang nakatakas ang isang barangay kapitan kasunod ng isinagawang raid sa pasugalan sa isang burol ng patay sa Brgy. Maynganay Norte, Sta Maria, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Lieutenant Joel Desargo, hepe ng Sta. Maria Police Station ang nakatakas na opisyal ng barangay na si Chairman Ernesto Dasalla Jr., 70 na dumayo sa lugar mula sa kanyang teritoryo sa Barangay Maynganay Sur.

Nabatid na karamihan sa mga nadakma ng mga pulis ay pawang mga senior citizen na ang pinakamatanda ay edad 80.

Sa ulat, alas-6:00 ng gabi nang isagawa ng mga otoridad ang raid matapos makarating ang sumbong na may nangyayaring sugalan na paglabag sa qua­rantine protocols na kung saan ay walang mga suot na face mask at face shield.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with