^

Probinsiya

Ilang bayan sa Quezon lubog sa baha

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines —  Hindi pa man direktang dinaraanan ng bagyong Ulysses ang lalawigan ay naka­­ranas na agad ng pagbaha ang ilang bayan dito na pinalubog na rin ng mga nakalipas na bagyo.

Base sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), tumaas agad ng hanggang leeg ng tao ang tubig sa ilang barangay sa Lopez,Quezon habang ang Barangay Canda Ibaba na lumubog at hindi nadaanan ng mga motorista noong nakalipas na mga bagyong Pepito at Quinta ay tumaas na rin bagama’t nadaraanan pa ng iba’t ibang behikulo.

Lubog na rin sa tubig baha ang ilang barangay sa Tagkawayan at Sampaloc, Quezon habang nagpatupad na ng mass evacuation sa mga residenteng malapit sa dagat at burol ang pamahalaang bayan ng San Narciso, Quezon.

vuukle comment

PDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with