^

Probinsiya

Pulisya minomonitor na ang mga ‘person of interest’ sa pagpatay sa broadcaster

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY , Philippines — Pa­tuloy ang isinasagawang malaliman na monitoring ng mga pulis sa Ilocos region upang kanilang matukoy ang posibleng mga persons of interests sa pagpatay sa broadcaster na si Virgilio Maganes,62, noong Martes ng umaga sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon kay Ilocos Region Police Director Brig. Gene­ral Rodolfo Azurin Jr., na kanila nang inaalam ang  ang pagkakakilanlan ng mga persons of interest na  nakita sa CCTV footages malapit sa crime scene.

Lumikha na rin ng Task Force Group “Maganes” upang makapokus sa pagpatay sa biktima at nangako si Azurin na hahanapin nila ang mga suspek para mapanagot sa kaso.

Magugunita noong Martes ng alas-6:45 ng umaga ay naglalakad patungo sa kanilang bahay sa Licsab, Brgy. San Blas ang biktima nang lapitan ito ng isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with